Tuesday, August 30, 2005

Trangkaso

Kailan ba yung huling malala kong trangkaso?
Nasa Balay pa ata ako…. Di ko matandaan
Tapos umulit ulit ngayon ……..
Pero ang hina ko talaga sa pain..iyak ako ng iyak
Parang mamamatay na ako
Nahihilo…
Nilalagnat… nanghihina… kinakalambre…..
F*****! AYOKO NA!

Ngayon andito ako sa TFDP
Kala ko kaya ko na
F******! Nahihilo pa rin ako!!!

Thursday, August 25, 2005

TEXT

Medyo gloomy ang araw, wala ang mga tao nasa Iloilo karamihan
Sa gitna ng aking kaantukan at ng gingawang proposal,
Biglang may nag text.. medyo familiar ang number pero di ko kilala at wala sa directory ko
Ang text nya ganito:

Usapan ng mag-ama:
Anak : daddy, cno ang mas mahal mo, ako o c momy?
Ama: Syempre ikw!
Anak: Sabi ko na e!, pg maginaw kinukumutan mo ako, pro c momy, hnuhubaran
m!

Nag-reply ako para dugtungan ng:

At hindi lang yon, binabasa mo pa!

Kaya lang check operator… di nag send

Anyway, kung sino man ang nag-text nito, eto KILALA ako nito.

Tuesday, August 23, 2005

Nagbago

Marami na rin talagang nagbago
Ang hirap ng alalahanin ang mga dating nararamdaman na di mo na maramdaman ngayon
Bakit nga kaya?
Dati kasi kapag tinatawag ako ng crush kong professor sa Botany nung college ako, pagtayo ko sabay ding umaakyat ang dugo sa mukha ko… as in blushing…tapos na ang
Klase blushing pa rin..so wala ng dapat pag usapan, lahat ng classmate ko alam.. pati siguro yung professor na yon.

Pero bakit ngayon, kahit makita ko pa sigurong hubad ang mga gusto kong tao…wala!
Mangingiti siguro.. pero hindi mamumula… hindi manlalamig ang mga kamay…….
Nakaka-miss din yung ganung feelings…………….
San ba galing yung mga dugong umaakyat sa mukha dati?
Andun pa rin naman sila, bakit di na sila umaakyat? bumababa na lang yata.

Monday, August 22, 2005

Painful Entry

Dry
Narrow
Estrogen level very low
When I decided to have this direction, for me and for my son....
It was a painful entry....

When we are there already I hope everything will fall into its proper places
Little by little, it will become smooth..easy....soothing....fast.
Time flies...its finish....

Thursday, August 18, 2005

Driver ng Jeep

Kahapon syempre sumakay ako ng jeep pauwi
As usual sa harap ako sumakay for security purposes... ang hirap talaga pag na papraning
Inaasahan ko na magbabagal sya para mag-abang ng sasakay na tao sa jeep nya
Pero nagulat na lang ako nang humarurut ng takbo, hindi pinapansin ang mga gustong sumakay
Kaskasero magpatakbo, walang pakialam sa lubak at sa isang ubod tandang babae na tumatawid
Parang muntik na nyang masagasaan ang braso
So tinakbo nya nga ang kahabaan ng e-rodriguez, hindi nagpapasakay
At yung way nya ng pagda-drive, parang ahas, tapos bigla biglang nagprepreno at bigla bigla ring tumatakbo
Malapit na halos kami sa Cordillera pero hindi pa rin sya nagsasakay
So nung tumigil kami sa araneta kasi nga naka red ang stop light bigla na lang huminto yung isang jeep
Sabi nung driver, aba bakit isa lang yang pasahero mo?
Sagot ng driver ng jeep na sinasakyan ko... pare arkelado .... at sabay ngiti kita ang mga ngipin..
Napahagod ako sa buhok na nagtataka... inarkela ko ba sya? sampung piso lang binayad ko.
E bakit nga kasi di ka nagsasakay? malakas kong sinabi sa kanya
Walang namang sinagot... puro ngiti lang
At pagdating sa kanto ng Cordillera, syempre pumara na ako
At pagbaba ko bigla syang nag-thank you.
Sa isip isip ko ang weird ng mundo!

Tuesday, August 16, 2005

SIMPLE LIFE

We all want a simple life

Me? I just want to have a hot chocolate for breakfast
I want to have a fulfilling job..… like TFDP in some aspects………
I want to go home unharmed, nobody called hold-up inside the jeepney
I want my son to be healthy and finish his studies
I want to help my parents in many ways they want
I want to go home into a comfortable house
I want to pursue law school if I can or any course I have in mind
I want to watch dvd tapes before I sleep
I want to read books every weekend
I want to have a night out with my friends every friday
I want to …..….. every other day specially during rainy days.
Not Applicable

I feel fortunate yesterday kasi nasa “tolerant mood” si ikabod
Kasi pauwi na kami e naitanong kung saan ba sya pupunta
Sabi nya manonood sya ng sine
Nasabi ko, di ka ba nalulungkot at nag-iisa kang manonood ng sine?
Nguniti lang…pero parang may lumalabas sa utak nya na sinasabi na, okey ka lang?
Nasabi ko rin na buti pa ang mga lalaki nagagawa nilang manood ng sine mag-isa, di sila natatakot
Sabi nya nagawa na daw nila... nanood sila ng CRUSH last week
Di ko naitanong kung sino sila, babae ba sila?

Anyway, dun ko lang naisip sa jeep na hindi applicable sa kanya ang aking question.

Bakit ba palaging nakakapag tanong ako sa mga tao ng hindi applicable sa kanila
Katulad ni Atty. Guevarra ba yon na natanong ko kung buntis sya sabay hawak sa tyan nya, yun pala hindi.
No wonder, hindi maka-relate si bananaririt sa akin minsan... o palagi ba?

Wednesday, August 10, 2005

A Letter of courage

This letter might lead into something...good or worst!
You have your own judgement...
But anyway, who have the balls and bells to sign ?

Monday, August 08, 2005

Sunshine

You are my sunshine
My only sunshine
You make me happy
When skies are gray
You'll never know dear
How much I love you
Please don't take the sunshine away

We call this, a mood in a swing

Sunday, August 07, 2005

Trip trip lang

Ano ba ang trip trip lang para sa akin?
Kapag nagbitiw ka ng salita na alam mo kung ano pero di mo pinag-isipan
Pinag-isipan mo nga pero kulang
E ano naman you have the power at alam mong may mga basihan
Kapag namuna ka ng tao pero alam mo sa yo marami din namang dapat punahin
Kapag nagalit ka na late ang isang empleyado samantalang alam mo nale-late ka rin
Kapag sobrang higpit mo sa pagpapatupad ng policy samantalang may mga nilabag ka rin naman
Hindi nga lang alam ng iba na meron kang nilalabag o nilabag
Hindi naman sila nakatingin sayo 24 hours a day
Hindi naman sila ang magtatanong kung ano ang ginawa mo
Sapagkat ikaw ang magtatanong ng kung ano ang ginawa nila


Pero sino nga ba ang mahilig mag-trip?
Syempre ang mga boss, ang may mga kapangyarihan
Ang mga may kakayanang mag-trip

Ang mga tao sa gobyerno ginagamit nila ang batas sa kanilang advantage
At ang nasa gobyernno ay yaong mayayaman
At ang mga mayayaman mahilig mag-trip sa mahihirap
Dahil pwede, dahil kaya nila,
Dahil ano naman, nasa kanila ang power.

Pero ang trip trip lang nagyayari yan araw araw
Kahit saan
Kahit nga ako.. may mga bagay na ginawa ko na wala lang.. trip lang!
Pero minsan mali yata na paghaluin ko ang trip sa whims.
Kasi minsan parang pwedeng magkatulad, pero minsan hindi naman.

Thursday, August 04, 2005

Kiss

What is a kiss? It is a juxtaposition of two muscles anticipating more positions.
Tag-ulan

Parang ang sarap mangabayo pag umuulan
Nababasa ng ulan ang ulo mo habang tumatakbo ka at nakasakay sa iyong kabayo
Tugudog..tugudog.. tugudog
Mas okey kung slow motion
At pupunta ka na naman sa taas ng bundok
Kung saan ang mata mo lang ang makakakita