Wednesday, June 29, 2005

Unforgetable Jokes

Mahirap pala talaga tumawa kapag di ka sanay sa taong nag-jojoke.

Kagabi habang nakikipag-inuman ang tatay ko sa isang lasenggo, bigla syang nag-joke na hindi naman nya ginagawa kapag di sya nakainom kasi lagi syang pormal.

Sabi nya- may mga nanay raw na nagpapalambot ng etits ng baka, Pagkatapos ng isang oras di pa rin eto lumalambot.

Ano ba yan, bakit di pa yan lumalambot sabi ng mga tatay, isang oras na.

Ewan nga ba, bakit ba hindi pa rin eto lumalambot, sabi naman ng mga nanay.

Lumapit ang isang tatay at tiningnan ang niluluto ng mga nanay. Bigla etong napakamot ng ulo at sinabing “ Kaya pala hindi lumalambot etong niluluto nyo e hinaluan nyo ng kepyas ng baka”!

At sabay ngang nagtawanan ang tatay ko at ang lasenggo.

E alam mo ba na kapag nag masturbate si Pinocchio ay masusunog? Kasi nga kahoy sya!

Tapos tatawa ulit sila. He, he, he... bakit ang bilis tumawa ng tatay ko sa joke nya?

Hindi ako masyadong matawa kasi nga hindi ako sanay nagjo-joke sya. Naalala ko tuloy nung minsan pumunta ako sa bahay ng aking classmate para sunduin sya. Andun sa baba ng bahay yung tatay nyang lawyer. Akala ko naman may binabasa lang, bigla na lang nagsalita eto,

Ne, alam mo ba kung sino ang mas matanda, kung yung bang bibig sa baba o bibig sa taas?

Ano pong bibig? Bibig malapit sa ilong?

Oo, ano nga ang mas matanda?

Baka po bibig sa taas, kasi marunong magsalita.

Tama ka pero hindi yan ang explanation, yung bibig sa baba mas bata kasi isa lang ipin nun at may gatas pa sa labi yun pero yung bibig sa taas, marami ng ipin yun.

Napa-ah na lang ako, isang gesture na nag-aagree ako sa kanya.

Pero teka nga muna bakit ba kasi sinasabi eto sa akin ng matandang eto. Buti na lang dumating na ang classmate ko.

6 comments:

bananarit said...

hehehe...aminin mo, ratatitat, kaya di ka natatawa e dahil mild ang mga jokes na yan para sa 'yo. ako nga di ko sila kilala, natawa ako e. hehehe...

len said...

pano naman kaya kung ang parusa kay pinocchio pag nagsisinungaling eh etits ang humahaba at hindi ilong? magsisinungaling kaya sya lagi?

che_me said...

malamang len tapos pag masyado nang mahaba eh magsasabi namn siya ng totoo dahil di ba umiikli yun?

saschagallardo said...

pede bang salitan na pagsisinungaling at pagsasabi ng totoo?

len said...

ano kamo seya? adik ka ba? di ko ma-gets. baka ako ang adik.

saschagallardo said...

hehe..sabi mo kasi pano kaya kung ang parusa kay pinocchio pag nagsisinungaling eh etits ang humahaba at hindi ilong. sabi ni che_me malamang pag masyado nang mahaba eh magsasabi namn siya ng totoo dahil iikli yun. Kung salitan na pagsisinungaling at pagsasabi ng totoo...