Thursday, July 14, 2005

LANGITNGIT

Ang mga anino sa dilim, nagpapaligsahan
Gumagalaw at sumasayaw sa tugtog
Na sila mismo ang gumawa…..

Lumalangitngit na kama, mga halinghing
Mga hiningang tila naghahabol sa hangin
Mga salitang di halos maintindihan

Kung kaya’t tinakpan ng mga palad
Ang kanilang mga bibig
At walang sino man sa kanila ang maaaring magsalita

Wala na halos marinig na tunog
Ngunit natira pa rin ang langitngit ng kama
Wala na sigurong magagawa pa…………

Antayin na lang na humupa ang init
Manumbalik ang katahimikan
Kung saan maaari nang tanggalin
Ang mga palad sa kanilang mga bibig


( Ang hirap gumawa ng tula, tula ba kaya eto?)

2 comments:

Anonymous said...

hay naku mabuti na lang hindi namatay kasi nakatakip ang bibig. Pero sigurado ako may nabuhay na mga dugo at habang nawawala ang init may nabubuhay naman. Sa tingin ko panandalian lang yon at mauulit ulit.

ikabod said...

nice erotica ratatitat, galing! this one belongs the pages of EROS PINOY, ang tamis at ang lagkit at nakakapa-pikit ang pag-kakasulat mo ng tula ratatitat.

sayang hindi lumalangitngit ang aking banig sa sahig.