Tuesday, August 23, 2005

Nagbago

Marami na rin talagang nagbago
Ang hirap ng alalahanin ang mga dating nararamdaman na di mo na maramdaman ngayon
Bakit nga kaya?
Dati kasi kapag tinatawag ako ng crush kong professor sa Botany nung college ako, pagtayo ko sabay ding umaakyat ang dugo sa mukha ko… as in blushing…tapos na ang
Klase blushing pa rin..so wala ng dapat pag usapan, lahat ng classmate ko alam.. pati siguro yung professor na yon.

Pero bakit ngayon, kahit makita ko pa sigurong hubad ang mga gusto kong tao…wala!
Mangingiti siguro.. pero hindi mamumula… hindi manlalamig ang mga kamay…….
Nakaka-miss din yung ganung feelings…………….
San ba galing yung mga dugong umaakyat sa mukha dati?
Andun pa rin naman sila, bakit di na sila umaakyat? bumababa na lang yata.

5 comments:

ikabod said...

baka kulang ka lang sa iron

len said...
This comment has been removed by a blog administrator.
len said...

mid-life is when one comes into terms with his/her mortality and tries to recapture her/his youth. baka andon ka na.

Anonymous said...

sa simpleng salita, tumatanda ka na.

ratatitat said...

pero parang hindi tumatanda ang imagination