Tuesday, August 16, 2005

Not Applicable

I feel fortunate yesterday kasi nasa “tolerant mood” si ikabod
Kasi pauwi na kami e naitanong kung saan ba sya pupunta
Sabi nya manonood sya ng sine
Nasabi ko, di ka ba nalulungkot at nag-iisa kang manonood ng sine?
Nguniti lang…pero parang may lumalabas sa utak nya na sinasabi na, okey ka lang?
Nasabi ko rin na buti pa ang mga lalaki nagagawa nilang manood ng sine mag-isa, di sila natatakot
Sabi nya nagawa na daw nila... nanood sila ng CRUSH last week
Di ko naitanong kung sino sila, babae ba sila?

Anyway, dun ko lang naisip sa jeep na hindi applicable sa kanya ang aking question.

Bakit ba palaging nakakapag tanong ako sa mga tao ng hindi applicable sa kanila
Katulad ni Atty. Guevarra ba yon na natanong ko kung buntis sya sabay hawak sa tyan nya, yun pala hindi.
No wonder, hindi maka-relate si bananaririt sa akin minsan... o palagi ba?

12 comments:

ikabod said...

loi ang palabas ay C-R-A-S-H -> CRASH.

ratatitat said...

sabi ko na nga ba di tayo nagkakaintindihan e

len said...

loi, ako nanonood ng sine mag-isa. hindi ang tanong eh kung nakakatakot ba kung di masaya ba manood ng sine mag-isa.

bananarit said...

yup, CRUSH...parang WEDDING CRUSHERS.

bananarit said...

gaya din ng Shaolin Sucker!

ratatitat said...

ikabod atlen, masaya nga bang manood ng sine mag-isa?

len said...

actually depende sa papanoorin. pag comedy eh mas masaya may kasama ka. pero yung crush...este crash eh okay lang panoorin mag-isa. liberating ang pakiramdam ratatitat, try mo, samahan pa kita kung gusto mo. :)

ratatitat said...

sige, try natin minsan, marami kasing manyakis sa loob ng sinehan

bananarit said...

tama! yung isa sa orchestra, isa sa balcony (meron pa bang mga ganun sa sinehan?), para kahit magkasama kayo, mag-isa pa din (or vice versa). e...

ratatitat said...

separate but one in spirit? Oo nga sigaw na lang pag nagka-abirya!

len said...

lika bananarit, samahan natin si ratatitat manood mag-isa.

ikabod said...

ok naman manood sa gateway mag-isa ratatits, sa recto ka pa rin ata nanonood eh, kahit sa lalaki eh nakakatakot manood mag-isa dun