Trip trip lang
Ano ba ang trip trip lang para sa akin?
Kapag nagbitiw ka ng salita na alam mo kung ano pero di mo pinag-isipan
Pinag-isipan mo nga pero kulang
E ano naman you have the power at alam mong may mga basihan
Kapag namuna ka ng tao pero alam mo sa yo marami din namang dapat punahin
Kapag nagalit ka na late ang isang empleyado samantalang alam mo nale-late ka rin
Kapag sobrang higpit mo sa pagpapatupad ng policy samantalang may mga nilabag ka rin naman
Hindi nga lang alam ng iba na meron kang nilalabag o nilabag
Hindi naman sila nakatingin sayo 24 hours a day
Hindi naman sila ang magtatanong kung ano ang ginawa mo
Sapagkat ikaw ang magtatanong ng kung ano ang ginawa nila
Pero sino nga ba ang mahilig mag-trip?
Syempre ang mga boss, ang may mga kapangyarihan
Ang mga may kakayanang mag-trip
Ang mga tao sa gobyerno ginagamit nila ang batas sa kanilang advantage
At ang nasa gobyernno ay yaong mayayaman
At ang mga mayayaman mahilig mag-trip sa mahihirap
Dahil pwede, dahil kaya nila,
Dahil ano naman, nasa kanila ang power.
Pero ang trip trip lang nagyayari yan araw araw
Kahit saan
Kahit nga ako.. may mga bagay na ginawa ko na wala lang.. trip lang!
Pero minsan mali yata na paghaluin ko ang trip sa whims.
Kasi minsan parang pwedeng magkatulad, pero minsan hindi naman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
oh my hormonally driven room-mate ratatitat!
.. na hormonally imbalanced pag nag titrip-trip? hehe!
Post a Comment