Mess
Sobra na yata ang sitwasyon ko
Sa gabi di makapagtulog, mabigat ang kalooban sa lahat ng mga bagay
Feeling ko kaaway ko ang mundo
Tapos ang heavy pa ng feelings ko
Kasi sunod-sunod counseling ko sa mga families ng victims ng involuntary desappearance
Kahindik hindik ang kanilang mga naging karanasan... syempre ngayong panahon na ito alam nyo na
kung gaano kagarapal ang human rights violations
Nagiging paranoid tuloy ako, sa gabi paulit ulit nagrerewind ang mga kwento ng biktima.
masyadong horrfying, gruesome.....Di mo maisip na mangyayari sa isang tao.
Dyos ko kailangan na yata ng himala dito.
Sa bahay naman, ang mga tao take ng take lang, ako naman give ng give
Kasi naman bakit ba kasi ganito ako katanga
kung 20% lang kaya nilang ibigay yun na lang ibibigay ko, papagod na ako e
Nasasagad na
Kahit naman anong ingat ang gawin mo, kung mawawala.... mawawala na lang talaga
No point na pilitin pa.
Pagod na akong mag settle for less......
Mahirap mag pretend... wala rin naman pala.
Sa work naman, parang masyadong compartmentalize
Dun sila, dito ako
Kung dyan ka... dyan ka lang..
Hindi mo pwedeng gawin yan, gawain nila yan
Hindi mo pwedeng isipin yan kasi may dapat kang ibang isipin.. may iisip na dyan
Para bang hindi buo.
E hindi ko naman napapabayaan ang specific task ko. Haay
Minsan parang nakakalimutan ko na kung bakit ba ako andito in the first place.
Yung cause kung bakit ako andito, parang ewan ko na...
E bakit ba ako nasa human rights org? para lang bang magsulat lang talaga?
Am I merely doing a task? a specific task.
E di sana dun na lang me nagsulat sa mga business magazine at kung anu-ano pa.
Minsan nagbigay ako ng suggestion kung paano pakakatulong sa pag raise ng food aid ng PPs
Na shoot down naman sa ere kasi hindi ko dapat daw isipin yon kasi may iisip na nun
May dapat daw kasi akong gawin.
E parang nakakataas ba eto ng moral? inspirasyon kaya? Feel good about what you are doing?
Meron kayang room dito ng personal initiative?
Tapos kapag may problema para bang andaling ituro ako e samantalang may mga hand din naman sila dun.
Dahil ba simpleng staff lang ako?
Tapos feeling ko kulang sa appreciation, wala me naririnig na appreciation.
Pero marami ako maririnig pag may palpak... haaay.
Ang mga tao may pinipili, may mga iniingatang santingin, meron namang sasantingin antime of the day.
Tapos di ko na yata kaya etong indipendence ko
3,500 na bahay, 1,200 na kuryente, 2,000 na yaya
pangaraw araw na pagkain, pamasahe at baon ni amiel
tuition ni amiel
Haaay, pag nagturo pa ng toy patay na! Pag nagyaya sa jollebee patay na ulit!
E magkano lang ba sweldo ko? puro deduction pa
Tapos kapag may nagbenta sa office naaawa naman akong di ko pagbilhan.
Haay naku ang laki ng problema ko.
Problema sarili mismo
Problema sa iba na wala akong lakas para baguhin.
Dati di ako masyado naniniwala sa luck
Pero ngayon sige ang taya ko sa loto
Sige ang ang taya sa kung anu-anong game, baka sakaling manalo....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
ano ang santingin?
salingin. saltikin.
mahirap baguhin ang marami ng nakasanayan at nakagawian lalo pa't bago na ang liderato at sistema sa pinagtratrabahuhan. tapos na ang panahon na binigyan laya ang maraming inisyatiba at awtoridad. hindi binabara ang inisyatiba pero di din dapat lumampas ito sa pangunahing gawain. maaari naman magmungkahi, mamuna sa iba at punahin ang sarili. baka mas makabubuti ang malalim na pagninilay. you have a choice to make. ika nga ng nike "just do it".
hingang malalim ratatitat!!! anything you say may be used against you if you have no lawyer ill give you moral support hehehehehehehe
dapat talaga ma-ingat lalo na pgnagdyudyug na naka-on celfone. baka may makarinig. sabit
ok, salamat naintindihan ko na ibig sabihin ng santingin sa isinulat mo ratatitat na "...Ang mga tao may pinipili, may mga iniingatang santingin, meron namang sasantingin antime of the day."
gud luck ratatitat! tantya ko tagal na namn bago ka mag post ulit..... tsaka balato ha pgka nanalo ka sa mga tinatayaan mo..
aba ang hitman ng dating ED nagrereact ngayon. weather weather lang yan! o di kaya karma!
aba, aba...wag naman kayong magbabatuhan dine sa blog ko. Kaya nga ako di nagpost ng matagal para pag nagpost ako di maaalala ng tao na buksan. Para pwedeng gawin kong outlet etong blog na eto kapag napaparaning ako as in parang diary. Hingahan lang eto ng sama ng loob..oks?! Ang mga bagay-bagay lumilipas din at sana hindi naman nito masaling ang mga bagay-bagay na hindi pa pala lumilipas.
me nambabato ratatitat, pero di ako nakikipagbatuhan ha. anonymous sana mapalagay ka na at maging happy ka nang tao.
sinong hindi happy, ha?
ah sino bang hindi?
i am not misty
Post a Comment