Tuesday, November 29, 2005

HORROR

Bumili kami ng tape ng Exorcism of Emily Rose at pinanuod namin sa Cainta
Kala ko di ako maapektuhan dahil lagi namang walang effect sa akin ang horror movies dahil
siguro sa kakanood ng mga eto
Naku nakakatakot pala at lagi kong naaalala yung 3am
Well nung nasa Cubao na kami ni amiel sa aming bahay
Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko yun iisipin, aba e 12 midnight na e gising pa ako
sa kakaisip nung movie... tuloy takot na takot ako
Bigla ko tuloy naisip na mag-isip na lang ng ibang bagay... mag imagine ba
Aba effective pala.... sa tuwing may mga horror episode na gustong sumingit sa aking gunita
Papalitan ko ito agad ng ibang klaseng episode... aba effective pala.
Nawala ang takot ko.