Tuesday, July 26, 2005

Paano nga ba?

Paano mo ba maipapakita na mahal mo ang isang tao?
Sabi nila actions are louder than words.... yan ha di na action lounder than voice, although pwede rin di ba?
Therefore, kung walang words e di action ... tongue in motion. It should be tongue in motion!

Kung mahal ko ang isang tao I would not use the tip of my tongue. It should be the middle of the tongue.

For those na di ko mahal, tip of the tongue lang.

Thursday, July 14, 2005

GANUN LANG TALAGA

May mga bagay talaga dito sa mundo na hindi pwedeng maging sa yo.

Mas masaya ka kung kaibigan mo lang sila
Mas matatahimik ka kung ipagdadasal mo na lang
Mas madali ang buhay kung pababayaan mo lang

Mga bagay na pwede mo lang tingnan at sulyapan
Mga ngiting maaari mo lang baunin sa iyong pag-iisa
Mga alaala na pwede mo namang balik-balikan

Ganun lang talaga, mas maganda sila pag ganun lang
Mas magtatagal pag ganun lang

At sa araw-araw pwedeng mag-pyesta ang iyong mga mata
At sa araw-araw maiisip mo, maraming maganda pa rin sa mundo
LANGITNGIT

Ang mga anino sa dilim, nagpapaligsahan
Gumagalaw at sumasayaw sa tugtog
Na sila mismo ang gumawa…..

Lumalangitngit na kama, mga halinghing
Mga hiningang tila naghahabol sa hangin
Mga salitang di halos maintindihan

Kung kaya’t tinakpan ng mga palad
Ang kanilang mga bibig
At walang sino man sa kanila ang maaaring magsalita

Wala na halos marinig na tunog
Ngunit natira pa rin ang langitngit ng kama
Wala na sigurong magagawa pa…………

Antayin na lang na humupa ang init
Manumbalik ang katahimikan
Kung saan maaari nang tanggalin
Ang mga palad sa kanilang mga bibig


( Ang hirap gumawa ng tula, tula ba kaya eto?)

Tuesday, July 12, 2005

SWEETEST MOMENTS


Episode 1
Background …kakatapos ko lang magbigay ng orientatation sa isang urban poor community. Nakatayo ako sa isang gilid habang umaambon. Lumapit ang isang lalaki at sinabing “ miss, wag ka dyan.. umaambon, baka magkasakit ka”. Mula noon tuwing umuulan, pinatatabi nya ako o kaya pinapahiram ang panyo nya para ilagay sa ulo ko.
Hanggang dumating sa point na ako na ang nagpapahiram ng panyo para sa ulo nya.

Episode 2
Lumuwas ang bf kong taga cavite na hindi masyadong marunong dito sa Manila. Kumain kami sa isang fast food. Nag-aalok ako na hati na lang kami sa bayad pero ayaw tapos nilabas ang makapal na 20 pesos na medyo lukot lukot pa. Tinanong ko sya saan nya kinuha yuhg mga pera na yon… sabi nya pinagtrabahuhan nya raw sa palengke para may pang date kami.

Hinatid ko sa Baclaran LRT kasi nga di marunong dito pero pagkahatid ko di rin pumayag na hindi ako ihatid so inihatid ulit ako sa Sta. Cruz. Mga dalawang balik na hatiran lang bago ko napapayag na wag na akong ihatid.

Episode 3
Kumakain kami sa isang bar ng isang guy tapos bigla na lang tumugtog, di ko maalala kung ano yung music pero new wave. Bigla na lang tumayo yung kasama ko tapos nagsayaw….mag-isa lang sya sa dance floor. Medyo mataas din kasi sya kaya naabot nya ng kamay yung ceiling habang nakatingin sa akin, nag-ala macho dancer na hindi naman masyadong masagwang tingnan, cute lang ang dating.

Tuwang tuwa yung mga tao sa kanya at pinalakpakan. May isang tao sa ibang table na lumapit sa amin at sinabing .. “ sasagutin naming yung bill nyo kung pwedeng sumayaw ulit etong kasama mo”. Aba e sumayaw ulit ang loko kaya nalibre tuloy kami.

Episode 4

Minsan sinabi ko sa bf ko na may sinagot na akong iba
Cool pa rin ang loko at sabi pa… talaga, sama mo ako sa date mo at ipakilala mo sa akin
Pero maya-maya lang, para kamong nagdedeliryo habang sinasabi…
Gusto ko ako lang, gusto ko ako lang… gusto ko ako lang!!!

Episode 5
Nagkalabuan kami ng bf ko so hindi kami nagpapansinan sa isang party. Actually by that time one month na kaming di nag-uusap.
Bigla kamong tumugtog yung kantang habang may buhay
Aba lumapit at inaabot ang kamay ko at sabay sabing …can I dance with you?
Sa isip ko lang… akala ko ba pang high school lang ang ganitong sitwasyon

Monday, July 11, 2005

Longing for an explosion

Today I feel tired and very confused!
Very low energy!
I am longing for that explosion…..
Kung saan I will feel high, alive and dreamy
Kung saan I would cry without reasons at all… with matching hagulgol!
Kung saan I will feel very inspired, adrenalin shooting up!
Kung saan I could do a lot of things, productive things!

I am longing for that explosion….
I have done that several times before…
I missed it so much!!!
Sa Saturday kaya???

Sunday, July 03, 2005

The Hair down there

Kahapon, di ba Lingo? gumagawa kami ni Doc Au ng proposal

Nakaramdam ako na naiihi na ako so nagpunta ako sa CR, pagdating ko dun di ako makaupo kasi may isang pubic hair sa bowl. Alam naman natin itsura ng pubic hair di ba? parang patay na buhok. So ang ginawa ko hinipan ko muna para matanggal.

Well, pero may isa pang way to get rid of a pubic hair... PWE! pag di pa rin Pwe ulit!

Friday, July 01, 2005

Close encounter with the Manyakis

Yung experience kagabi, bumalik na naman kasi yung mga memories ko sa mga taong manyakis.

Naikwento ko na eto sa inyo dati pero ilagay na lang natin dito sa blog.

Ang dami ko kasing experience dyan like yung minsan na galling ako sa St. Scho at sumakay ako sa isang LRT, dahil sa lumilipad ang isip ko, di ko namalayan na may humihipo na pala sa pwet ko, aba e namalayan ko lang nung nilalamukot na pala eto at napa-aray na ako. Pero paglingon ko nag-atrasan lahat ng lalaki. Di ko tuloy alam kung sino.

Minsan naman sa jeep, tinutusok ng lalaki ng siko nya yung ribs ko, akala nya siguro yun yung breast ko, e ang sakit na, di naman ako makasigaw, di naman ako makapagsalita.. aba e ang laking mama tapos nakatungo pa. Nilabanan ko na lang ng siko ko pero talo ako.. malakas, dapat dun talaga sinisigawan pero hindo ako nakasigaw.

Bumaba na lang ako sa ginta ng Quezon Ave. kahit sa Philcoa pa talaga punta ko. Sakay ulit ako papuntang Philocoa, pero pagdating Philcoa sumakay ako sa isang tricycle. Nagulat na lang ako yung kanang paa ng driver nasa loob ng tricycle at nakabandage, para ba akong naka-mike at nagre-recording sa loob. Anyway magaling ang driver kahit isang paa lang ang pang-kambyo nakaratin naman ako sa pupuntahan ko.

Isang beses naman may taxi driver na may hiwa sa mukha na ayaw akong pababain sa taxi kahit pinapatigil ko na at sinabi kong wala akong pambayad. Lagi nya lang sinasabi na nakakagigil daw ako at sya na daw ang bahala sa akin. Buti na lang nakatakas ako sa Cubao.

Ang pinaka malala ay yung dalawa lang kami sa jeep ng isang lalaki at umuulan pa. Nasa tapat ko lang sya at bigla na lang tumitig sa akin at dahang dahang pinasok ang kamay nya sa short nya- mukhang galing sa pagbabasket-ball. Maya-maya lang nagmumumustra na para bang nakikipagtalik. Nag-aala macho dancer na sa tapat ko. Ako naman nakatingin lang sa kanya, hindi ko makuhang magmura o bumaba, ewan ko ba. Maya-maya lang makikita sa mukha nya na tapos na sya. Ano ba kasing problema ng mga taong eto at ano rin ba problema ko at hindi ako naka-react.

Yung isa, kakapakilala lang sa akin bigla na lang pinakita yung etits nya nung kami na lang ang nag-uusap at pahahawakan pa sana. Umatras ako at lumayo agad. Aba naman ang liit at ang payat! Ang lakas ng loob maging manyakis.

Pero ako may mga nagagawa din naman pero hindi ko sinasadya like minsan na-trap yung hinlalaki ng daliri ko sa paa sa pagitan ng pwet ng isang lalaki sa baba ng estribo , at ilang beses na ba na habang sini-sway ko ang aking kamay sa paglalakad sa SM ay nadadampian ko yung ari ng lalaki na nasa likod ko. Pero aba hindi naman sinsadya ang mga ito.

Yung mga manyakis, sinasadya nila