Friday, July 01, 2005

Close encounter with the Manyakis

Yung experience kagabi, bumalik na naman kasi yung mga memories ko sa mga taong manyakis.

Naikwento ko na eto sa inyo dati pero ilagay na lang natin dito sa blog.

Ang dami ko kasing experience dyan like yung minsan na galling ako sa St. Scho at sumakay ako sa isang LRT, dahil sa lumilipad ang isip ko, di ko namalayan na may humihipo na pala sa pwet ko, aba e namalayan ko lang nung nilalamukot na pala eto at napa-aray na ako. Pero paglingon ko nag-atrasan lahat ng lalaki. Di ko tuloy alam kung sino.

Minsan naman sa jeep, tinutusok ng lalaki ng siko nya yung ribs ko, akala nya siguro yun yung breast ko, e ang sakit na, di naman ako makasigaw, di naman ako makapagsalita.. aba e ang laking mama tapos nakatungo pa. Nilabanan ko na lang ng siko ko pero talo ako.. malakas, dapat dun talaga sinisigawan pero hindo ako nakasigaw.

Bumaba na lang ako sa ginta ng Quezon Ave. kahit sa Philcoa pa talaga punta ko. Sakay ulit ako papuntang Philocoa, pero pagdating Philcoa sumakay ako sa isang tricycle. Nagulat na lang ako yung kanang paa ng driver nasa loob ng tricycle at nakabandage, para ba akong naka-mike at nagre-recording sa loob. Anyway magaling ang driver kahit isang paa lang ang pang-kambyo nakaratin naman ako sa pupuntahan ko.

Isang beses naman may taxi driver na may hiwa sa mukha na ayaw akong pababain sa taxi kahit pinapatigil ko na at sinabi kong wala akong pambayad. Lagi nya lang sinasabi na nakakagigil daw ako at sya na daw ang bahala sa akin. Buti na lang nakatakas ako sa Cubao.

Ang pinaka malala ay yung dalawa lang kami sa jeep ng isang lalaki at umuulan pa. Nasa tapat ko lang sya at bigla na lang tumitig sa akin at dahang dahang pinasok ang kamay nya sa short nya- mukhang galing sa pagbabasket-ball. Maya-maya lang nagmumumustra na para bang nakikipagtalik. Nag-aala macho dancer na sa tapat ko. Ako naman nakatingin lang sa kanya, hindi ko makuhang magmura o bumaba, ewan ko ba. Maya-maya lang makikita sa mukha nya na tapos na sya. Ano ba kasing problema ng mga taong eto at ano rin ba problema ko at hindi ako naka-react.

Yung isa, kakapakilala lang sa akin bigla na lang pinakita yung etits nya nung kami na lang ang nag-uusap at pahahawakan pa sana. Umatras ako at lumayo agad. Aba naman ang liit at ang payat! Ang lakas ng loob maging manyakis.

Pero ako may mga nagagawa din naman pero hindi ko sinasadya like minsan na-trap yung hinlalaki ng daliri ko sa paa sa pagitan ng pwet ng isang lalaki sa baba ng estribo , at ilang beses na ba na habang sini-sway ko ang aking kamay sa paglalakad sa SM ay nadadampian ko yung ari ng lalaki na nasa likod ko. Pero aba hindi naman sinsadya ang mga ito.

Yung mga manyakis, sinasadya nila

5 comments:

saschagallardo said...

ratatitat, ndi ko alam kung pano magre-react. sympathy ang ine-expect ko n mramdaman dahil may mga ganyang encounter din ako minsan at sobrang bad trip naman talaga maka-encounter ng ganyan. pero ipagpatawad mo, natawa ako habang binabasa ang post mo. nai-imagine ko cguro kasi kung pano mo kinwento.

che_me said...

ang comment na ito ay hindi naghahangad na makipag kumpetisyon kay ratatitat ito ay karugtong na rin ng mga kamalasan ko sa buhay...

habang binabasa ko kasi ang post niya tungkol sa kamanyakan ng ibang tao naisip ko rin ang aking naging karanasan sa mga nilalang na hindi mapigilan ang libido kaya kahit saan at kahit kelan ay nag paparaos... makailang ulit ko na ring naranasang pag batehan me nagyari sa jeep, merong sa isang restawrant, merong sa gym ng UP sugbu at gaya ng nasabi ni ratatitat hindi ko rin nakuhang mag react instead eh para bang ako pa ang nahihiya at nanlalamig dahil sa kalaswaang nakikita ko... ilang ulit na ring nangyari ne ma nahuling namboboso sa akin na kahit sa opisina ng davao habang ako eh naliligo eh me nakitang tao si ikabod na nasa labas ng pintuan ng banyo...

ilang ulit na ring napaaway ang mga barkada ko dahil sa hangaring ipagtanggol ako sa mga taong nambabastos sa akin at ang pinakamatindi at nakakahiya ay ang matigil ang isang street party dahil nakipagrambolan na ang mga kaibigan ko dun sa grupo ng nais sanang dakmain ang aking wetpu dinala silang lahat sa istasyon ng pulis at pati na rin ako dahil nga sa ako ang pinagmulan ng away.... sa sobrang hiya at inis ko dun sa gagong manyak napa ingles ako habang minumura ko sya parang eksena sa police report ng tv patrol tuloy ang nangyari...

palagi na ring nangyayari na kinailangang namin ng mga kasama kong kaibigan na umalis o lumipat ng bar dahil sa merong nagpapadala ng drinks ne me ksamang notes na mga DOM sa akin na naging dahilan kung bakit si idak napapraning sa tuwing gumigimik kami na kaming dalawa lang.

di namn ako malswang manamit at di namn siguro ako magaslaw kung kumilos me mga tao lang sigurong likas na bastusin gaya natin ratatitat hehehehe

ikabod said...

ako naman dati nung high school eh parating tinatabihan ng bading na ididikit braso at hita ng sadya at tititigan ako habang nanonood ako, kahit lumipat ako eh me ibang bading naman na lalapit, na me pera nang hawak na ib-brush sa braso ko.

nung minsan naman hinalikan ako bigla nung parlor gay na gumupit ng buhok ko habang nakatakip sa mata ko ang tuwalyang pinapantuyo niya ng buhok ko after ng shampoo.

at yong isang machong malakas sa inuman na pinatulog ako sa kuwarto niya nung di ko na kayang makiapgsabayan sa tagay, aba eh nagising na lang akong hawak na niya titi ko at nung bumangon ako para makaiwas at diplomatically sinabi kong iihi kasi ako eh sasamahan na raw niya ako para tulungan. ano daw?

mapa-bading o hindi, tangina talaga mga manyak na lalaking yan!

ikabod said...

ah! idagdag ko na rin yong mga lalaking tumitingin sa titi ko habang umiihi ako sa public cr.

khel said...

grabe naman un.