Wednesday, October 25, 2006

Mess

Sobra na yata ang sitwasyon ko
Sa gabi di makapagtulog, mabigat ang kalooban sa lahat ng mga bagay
Feeling ko kaaway ko ang mundo
Tapos ang heavy pa ng feelings ko
Kasi sunod-sunod counseling ko sa mga families ng victims ng involuntary desappearance
Kahindik hindik ang kanilang mga naging karanasan... syempre ngayong panahon na ito alam nyo na
kung gaano kagarapal ang human rights violations
Nagiging paranoid tuloy ako, sa gabi paulit ulit nagrerewind ang mga kwento ng biktima.
masyadong horrfying, gruesome.....Di mo maisip na mangyayari sa isang tao.
Dyos ko kailangan na yata ng himala dito.

Sa bahay naman, ang mga tao take ng take lang, ako naman give ng give
Kasi naman bakit ba kasi ganito ako katanga
kung 20% lang kaya nilang ibigay yun na lang ibibigay ko, papagod na ako e
Nasasagad na
Kahit naman anong ingat ang gawin mo, kung mawawala.... mawawala na lang talaga
No point na pilitin pa.
Pagod na akong mag settle for less......
Mahirap mag pretend... wala rin naman pala.

Sa work naman, parang masyadong compartmentalize
Dun sila, dito ako
Kung dyan ka... dyan ka lang..
Hindi mo pwedeng gawin yan, gawain nila yan
Hindi mo pwedeng isipin yan kasi may dapat kang ibang isipin.. may iisip na dyan
Para bang hindi buo.
E hindi ko naman napapabayaan ang specific task ko. Haay
Minsan parang nakakalimutan ko na kung bakit ba ako andito in the first place.
Yung cause kung bakit ako andito, parang ewan ko na...
E bakit ba ako nasa human rights org? para lang bang magsulat lang talaga?
Am I merely doing a task? a specific task.
E di sana dun na lang me nagsulat sa mga business magazine at kung anu-ano pa.
Minsan nagbigay ako ng suggestion kung paano pakakatulong sa pag raise ng food aid ng PPs
Na shoot down naman sa ere kasi hindi ko dapat daw isipin yon kasi may iisip na nun
May dapat daw kasi akong gawin.
E parang nakakataas ba eto ng moral? inspirasyon kaya? Feel good about what you are doing?
Meron kayang room dito ng personal initiative?
Tapos kapag may problema para bang andaling ituro ako e samantalang may mga hand din naman sila dun.
Dahil ba simpleng staff lang ako?
Tapos feeling ko kulang sa appreciation, wala me naririnig na appreciation.
Pero marami ako maririnig pag may palpak... haaay.
Ang mga tao may pinipili, may mga iniingatang santingin, meron namang sasantingin antime of the day.

Tapos di ko na yata kaya etong indipendence ko
3,500 na bahay, 1,200 na kuryente, 2,000 na yaya
pangaraw araw na pagkain, pamasahe at baon ni amiel
tuition ni amiel
Haaay, pag nagturo pa ng toy patay na! Pag nagyaya sa jollebee patay na ulit!
E magkano lang ba sweldo ko? puro deduction pa
Tapos kapag may nagbenta sa office naaawa naman akong di ko pagbilhan.

Haay naku ang laki ng problema ko.
Problema sarili mismo
Problema sa iba na wala akong lakas para baguhin.

Dati di ako masyado naniniwala sa luck
Pero ngayon sige ang taya ko sa loto
Sige ang ang taya sa kung anu-anong game, baka sakaling manalo....

Tuesday, June 27, 2006

cross roads

its funny cause i always find myself in this kind of situation
sa personal at trabaho
sa personal, kung talaga bang i let go ko na ang mga dapat i let go
Anyway parang good as gone na rin naman
except for the memories......
Pero mahirap namang isipin nya na ginawa ko lang syang SO
kasi hindi naman talaga, parang lang... i hope he will forgive me
Mahina na kasi tuhod nya e, unlike before nung nasa 20s pa sya

Sa trabaho, tatanggapin ba o hindi
Ang hirap kasi nakakatakot tapos ang hirap maging duwag
At hindi na rin ako 100% aktibista, parang 10% na lang ata
Kasi mas gusto ko atang ihanda ang kinabukasan ni amiel
Pero malaking part sa akin gusto kong tumulong at ayaw kong pabayaan sila
Pero ang daming pero!