Tuesday, February 12, 2008

Sa katagalan ng hindi ko pagsusulat sa blog ko nakalimutan ko password ko at buti na lang nakapagsulat ako ulit....

Since Valentines Day...natuwa ako sa dati kong isinulat nung 2005 o 2006 sa www.ratatitat.blogspot.com at gusto kong dagdagan...

GANUN LANG TALAGA

May mga bagay talaga dito sa mundo na hindi pwedeng maging sa yo.
Mas masaya ka kung kaibigan mo lang sila
Mas matatahimik ka kung ipagdadasal mo na lang
Mas madali ang buhay kung pababayaan mo lang
Mga bagay na pwede mo lang tingnan at sulyapan
Mga ngiting maaari mo lang baunin sa iyong pag-iisa
Mga alaala na pwede mo namang balik-balikan

Ganun lang talaga, mas maganda sila pag ganun lang
Mas magtatagal pag ganun lang
At sa araw-araw pwedeng mag-pyesta ang iyong mga mata
At sa araw-araw maiisip mo, maraming maganda pa rin sa mundo

---

At sa araw araw maiinspire ka
At sa araw araw lalakas ang loob mo
At sa araw araw maiisip mo hindi ka pala addict

May mga bagay na masarap lang talagang titigan
Kasi pwedeng maglaho kapag hinawakan mo na
May mga taong masarap lang talagang patawanin
Kasi nakaka praning kapag sila ang wala sa mood

Ganun lang talaga...marami palang bagay na espesyal kahit ganun lang talaga.