Tuesday, July 12, 2005

SWEETEST MOMENTS


Episode 1
Background …kakatapos ko lang magbigay ng orientatation sa isang urban poor community. Nakatayo ako sa isang gilid habang umaambon. Lumapit ang isang lalaki at sinabing “ miss, wag ka dyan.. umaambon, baka magkasakit ka”. Mula noon tuwing umuulan, pinatatabi nya ako o kaya pinapahiram ang panyo nya para ilagay sa ulo ko.
Hanggang dumating sa point na ako na ang nagpapahiram ng panyo para sa ulo nya.

Episode 2
Lumuwas ang bf kong taga cavite na hindi masyadong marunong dito sa Manila. Kumain kami sa isang fast food. Nag-aalok ako na hati na lang kami sa bayad pero ayaw tapos nilabas ang makapal na 20 pesos na medyo lukot lukot pa. Tinanong ko sya saan nya kinuha yuhg mga pera na yon… sabi nya pinagtrabahuhan nya raw sa palengke para may pang date kami.

Hinatid ko sa Baclaran LRT kasi nga di marunong dito pero pagkahatid ko di rin pumayag na hindi ako ihatid so inihatid ulit ako sa Sta. Cruz. Mga dalawang balik na hatiran lang bago ko napapayag na wag na akong ihatid.

Episode 3
Kumakain kami sa isang bar ng isang guy tapos bigla na lang tumugtog, di ko maalala kung ano yung music pero new wave. Bigla na lang tumayo yung kasama ko tapos nagsayaw….mag-isa lang sya sa dance floor. Medyo mataas din kasi sya kaya naabot nya ng kamay yung ceiling habang nakatingin sa akin, nag-ala macho dancer na hindi naman masyadong masagwang tingnan, cute lang ang dating.

Tuwang tuwa yung mga tao sa kanya at pinalakpakan. May isang tao sa ibang table na lumapit sa amin at sinabing .. “ sasagutin naming yung bill nyo kung pwedeng sumayaw ulit etong kasama mo”. Aba e sumayaw ulit ang loko kaya nalibre tuloy kami.

Episode 4

Minsan sinabi ko sa bf ko na may sinagot na akong iba
Cool pa rin ang loko at sabi pa… talaga, sama mo ako sa date mo at ipakilala mo sa akin
Pero maya-maya lang, para kamong nagdedeliryo habang sinasabi…
Gusto ko ako lang, gusto ko ako lang… gusto ko ako lang!!!

Episode 5
Nagkalabuan kami ng bf ko so hindi kami nagpapansinan sa isang party. Actually by that time one month na kaming di nag-uusap.
Bigla kamong tumugtog yung kantang habang may buhay
Aba lumapit at inaabot ang kamay ko at sabay sabing …can I dance with you?
Sa isip ko lang… akala ko ba pang high school lang ang ganitong sitwasyon

3 comments:

che_me said...

kileeeeeeeeegggg....

bananarit said...

ratatitat, mas gusto ko yung hindi edited version. ;)

ratatitat said...

ok... gusto ko ako lang.. gusto ko ako lang... gusto ko ako lang...ahhhhhhhhhh