Thursday, July 14, 2005

GANUN LANG TALAGA

May mga bagay talaga dito sa mundo na hindi pwedeng maging sa yo.

Mas masaya ka kung kaibigan mo lang sila
Mas matatahimik ka kung ipagdadasal mo na lang
Mas madali ang buhay kung pababayaan mo lang

Mga bagay na pwede mo lang tingnan at sulyapan
Mga ngiting maaari mo lang baunin sa iyong pag-iisa
Mga alaala na pwede mo namang balik-balikan

Ganun lang talaga, mas maganda sila pag ganun lang
Mas magtatagal pag ganun lang

At sa araw-araw pwedeng mag-pyesta ang iyong mga mata
At sa araw-araw maiisip mo, maraming maganda pa rin sa mundo

4 comments:

xty said...

oo nga, kanina lang sinabi mo kay sascha na: "'lam mo, maganda ka sascha mukha kang taiwanese..." kaso mo may kadugtong pa pala yun: ... yung mga bida sa horror movies." yung ngiti tuloy ni sascha eh naging ngiwi. mwehehe!

xty said...
This comment has been removed by a blog administrator.
bananarit said...

ganun lang nga talaga!

che_me said...

THIS IS IT! yep ganun lang me mga pangyayaring nais mo sana eh di na mangyari pero nangyayari WHEW!