Thursday, June 30, 2005

Sa Poste ng kuryente

Kagabi lang nung nakasakay na ako sa harap ng jeep, sa kanto ng St. Marys’, dun ba sa 7-11, E na nakita ko yung mama na pumunta sa poste at binuksan ang kanyang zipper, iihi ata.

Habang umiihi sya bigla ring may lumapit na mama at hinawakan sa likod ang lalagyan ng kanyang sinturom kasama ang kanyang brief.

Hinatak nya ang likod ng lalaki pa- backward tapos forward, tapos backward tapos forward ulit, mga naka-7 hanggang sampu ata na ganun lang.. backward tapos forward. Meron kayang butas dun sa poste?

Aba e tiningnan ko ang mga mukha nila, pareho namang nakangiti. Nag-eenjoy na yata sila ng lagay na yon.

Hindi uso PDA dito sa atin, pero pagtumira naman, talagang wow! Bakit ba ako laging nakaka-witness nito?

May biglang pumasok sa isip ko pero reserve ko yan mamaya sa isa pang post ko rito sa ratatitat.

4 comments:

xty said...

yun bang mama na humila sa likod niya eh, nagbaba din ng zipper at sinabayan ang forward-backward movement na yun? baka mag-jowa ever sila.

click & crash said...

o baka naman tinutukan na ng baril yung isa pero nakiliti lang siya kaya nangiti, sabay nagpatawa kaya napangiti rin yung nanutok. posible dibans?

Anonymous said...

forward backward yun kc iniisip nung humila kung matumba ang poste o hindi, tumba hindi, tumba hindi. hehehe ang layo...

bananarit said...

ano na yung biglang pumasok sa isip mo? i-post na, dali!