Sunday, June 19, 2005

Lahat ng Una

Naka limang beer na pala si Lisa at di na nya ito halos namalayan. Si Ana, Gina at Lester ay pare-pareho na rin palang lasing.

Mga alas-dos ng umaga, nagyaya ng umuwi si Lisa. Habang binabagtas ng apat ang kahabaan ng aurora blvd., nagkasundo na lang silang mag-check in sa isang motel. Himala at pumayag ang motel na apat sila sa isang kwarto.

Alas-tres ng madaling araw, namalayan na lang ni Lisa na hinhawakan sya ni Lester sa iba’t-ibang maselang bahagi ng kanyang katawan….namalayan nya sa sarili nya na hinahawakan nya rin si Lester sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Kinaumagahan, nagising si Lisa na wala na pala sa tabi nya sina Gina at Ana pero andun pa rin si Lester.

Gawa tayo ng bata? Tanong ni Lester sa kanya.

Sige, sagot ni Lisa habang iniisip na “ anyway di naman ako tatablan nyan! “

Para bang isang dekada na ang lumipas, pero hindi pa rin naka-penetrate si Lester. “Mukhang sa yo lang ako mahihirapan”, sabi ni Lester.

Tumaas ang isang kilay ni Lisa na para bang nayayamot sa sinabi ni Lester as sabay sinabing “ e kasi naman ako na lang sa ibabaw para madali na tayo!”

At habang nasa ibabaw si Lisa ni Lester, bigla na lang nangyari ang akala nyang hindi mangyayari….pumasok at nag-shoot!

Sa pagkakataong yon, para bang biglang tumigil ang takbo ng orasan. Nagulat na lang si Lester nang makita nyang tulala si Lisa.

Hinaplos nito ang buhok ni Lisa at sinabing….ala lagot, di kana virgin Lisa! Ngingiti na para bang nang-iinis.

Sinagot lamang sya ni Lisa ng isang mataray na irap habang iniisip sa sarili na “ e ano naman!”

Maya-maya lang, tahimik na binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng aurora blvd. Sa tuwing titingin si Lisa kay Lester, ngingiti ito na para bang nang-iinis. Nasabi na lang ni Lisa sa sarili, “hay naku…”

Kinagabihan, tumawag si Lester kay Lisa at sinabing, Kamusta ka na ? Ano ang ginagawa mo?

Okey lang, kumakain ng ice-cream, sagot ni Lisa

Bakit ice-cream? Tanong ulit ni Lester

Wag mo na kasing itanong, basta okey na! ang nasabi lang ni Lisa.

Pagkatapos ng 10 taon, marami ng bagay ang nakalimutan ni Lisa pero hindi ang lahat ng mga una…. Tulad ng una nyang communion, unang regla, unang halik, unang award sa school, unang salamin na nasira sa cr at ang una syang matulala.

Hindi nya akalain na tatablan pala talaga sya.

5 comments:

bananarit said...

a...gets ko na! baka kaya tawag ng tawag ngayon e para tanungin kung gusto mo ng ice cream. tingin mo? ;)

ikabod said...

....at pati ang unang blog.

che_me said...

anong flavor nung ice cream?

bananarit said...

a ratatitat...pwede malaman san yung motel na pwede apat sa kwarto...wala lang...for future reference ba! ;)

che_me said...

aba nag tatanong c richie ng rum na pwede apat? at for future reference daw? hmmm sali!!!