Thursday, August 18, 2005

Driver ng Jeep

Kahapon syempre sumakay ako ng jeep pauwi
As usual sa harap ako sumakay for security purposes... ang hirap talaga pag na papraning
Inaasahan ko na magbabagal sya para mag-abang ng sasakay na tao sa jeep nya
Pero nagulat na lang ako nang humarurut ng takbo, hindi pinapansin ang mga gustong sumakay
Kaskasero magpatakbo, walang pakialam sa lubak at sa isang ubod tandang babae na tumatawid
Parang muntik na nyang masagasaan ang braso
So tinakbo nya nga ang kahabaan ng e-rodriguez, hindi nagpapasakay
At yung way nya ng pagda-drive, parang ahas, tapos bigla biglang nagprepreno at bigla bigla ring tumatakbo
Malapit na halos kami sa Cordillera pero hindi pa rin sya nagsasakay
So nung tumigil kami sa araneta kasi nga naka red ang stop light bigla na lang huminto yung isang jeep
Sabi nung driver, aba bakit isa lang yang pasahero mo?
Sagot ng driver ng jeep na sinasakyan ko... pare arkelado .... at sabay ngiti kita ang mga ngipin..
Napahagod ako sa buhok na nagtataka... inarkela ko ba sya? sampung piso lang binayad ko.
E bakit nga kasi di ka nagsasakay? malakas kong sinabi sa kanya
Walang namang sinagot... puro ngiti lang
At pagdating sa kanto ng Cordillera, syempre pumara na ako
At pagbaba ko bigla syang nag-thank you.
Sa isip isip ko ang weird ng mundo!

6 comments:

ikabod said...

baka nakilala ka

Anonymous said...

baka type ka

Anonymous said...

bayad ka ng sampung piso na arkilado buong jeep. sulit na yun. ewan ko lang sa drayber kung tingin nya sulit na ikaw lang sakay.

neruda_revolt said...

bakit ba lagi kang nabibiktima ng drayber? yung una yung taxi driver, at ngayon naman yung driver ng jeep?

len said...

baka mas safe sa likod ng jeep, sa may pinto. ingat titat. lotsa ingat.

click & crash said...

afraid...