Monday, September 05, 2005

Mga Panaginip

Siguro nasa isip lang pero minsan nakakapagtaka naman
May mga dreams akong parang nagkakatotoo
Kagabi lang nanaginip ako na nag-crash ang isang airplane habang pa-take off
Kitang kita ko na naka slant ( take-off position)pa lang sya nang magcrash
Ang nag rehistro sa akin dalawa actually na airplane ang nag-crash
Tapos biglang may nagsabi sa panaginip ko na air Philippines…..
Di ko pinansin pero kanina pumasok ako sa finance bigla na lang sinabi ni Rene na may nag crash na airplane sa Indonesia
Chinek ko sa msn. At sabi nga dun nag crash ang plane 1 minute after take off killing 117 people.

Well hindi exacto pero malapit… nagkataon lang siguro
Naalala ko dati nung di ko pa alam na buntis ako… puro buntis na babae ang napapanaginipan ko…..
Tapos nanaginip ako na lalaki raw ang anak ko… at lalaki nga.

One week bago bumangga ang mga airplane sa twin towers
Nanaginip ako na na gabi raw at punong puno ng mga stars sa kalangitan
Bigla na lang nagbagsakan ang mga bituin at habang bumabagsak ang mga ito
Nagiging kalansay…. Punong puno ng kalansay sa lupa , patong patong
Tinanong ko pa si dad kung ano ang bansang nagsisimbolo ng mga bituin
Ang sinagot pa nya ay Amerika dahil maraming stars sa flag nito..

Mga 1 week before nung malaking tidal wave nagkwento ako kay mommy na
Nanaginip ako ng dagat na palaki ng palaki ang alon at sobrang taas na..
Tinabunan nito ang maraming tao… pero mukhang mga Chinese kako ang natabunan
Kasi bakit sinkit ang mga mata…

At yung MZF proposal… nanaginip ako at nakita ko ang logo ng MZF at nakasulat dun na na-approve ang proposal.
Nagising ako sa text ni Maris na sinasabi dun na tawagan ko daw si Doc Au…
At nang tawagan ko nga si Doc Au, sabi nya na-approved daw ang MZF.

At sa tuwing mananaginip ako ng tae… walang sablay may pera na darating sa akin.

Marami akong napapanaginipan na numbers pero nagtataka ako bakit di ko sila maalala.

Naku baka isipin na ng mga tao na napapraning na me…
Pero minsan nakakapagtaka talaga…. O nagkataon lang..

1 comment:

che_me said...

i remember only few of my dreams but when i do it's usually about a ship docking in the same port pero hindi nasa dagat ang shipna yun kundi sa isang malalim at malawak na river ewn kung bakit paulit ulit ang dream na ito or kung hindi eh mga people i love na patay na.... well whatever are the meaning of dreams or if they really do have one